Category Archives: Travel

Sunset @ El Nido, Palawan

20140517-135938.jpg

“A large drop of sun lingered on the horizon and then dripped over and was gone, and the sky was brilliant over the spot where it had gone, and a torn cloud, like a bloody rag, hung over the spot of its going. And dusk crept over the sky from the eastern horizon, and darkness crept over the land from the east.”
― John Steinbeck, The Grapes of Wrath

Advertisements

The Year that was 2011.

Jan-Feb-Mar

                Fresh from Coron.  Hindi pa ako nakakaget-over sa 5-day stay namin sa Coron nung December, that was by far my costliest pero I may say na ito rin ang isa sa pinakamasayang lakad  na nagawa ko.

I reached my tipping point din sa mga panahong ito, gusto ko na talagang sukuan ang trabaho ko nun, pero sabi nga ng isang manager ko, character building nga naman ang nangyari, nung maabot ko na yung puntong ayoko na, ang hindi ko alam, nagset na ulit sya ng mas mataas pang level para punuin ko ulit. Hindi naman din ako agad agad nagdesisyong ayoko na kaya ayun…it receded hanggang sa nabaon na lang sa limot na minsan inayawan ko na ang pumasok. Here I am as resilient as ever.

I get to some of my PUP babies this year (babies talaga? Sila na kasi ang huling batch na kilala ko sa PUP-ECE simula nang umalis ako ng CEA nung 2007.) They were put under my care para iorient sila wiiiii.

Apr-May-Jun

                Lakad dito…Lakad doon. Extremes ang lakad nito, many firsts din. Session dito, session doon, nag-katampuhan pa nga kami ng Ate ko dahil sa night life ko hehehe. Meron yung Laser tag nang gabi, comedy bar sa park lang ng market-market with office mates, videoke during wee hours tapos kinabukasan, may lakad ulit pa Laguna! Hahaha.

First time ko rin makapasok ng Bar or Disco or Club or whatever you call it, masaya kakasayaw at kasisisgaw! Wooo amoy sigarilyo nga alng ako L (wee di nga?!?).

Napa-Tagaytay din kami na wala talagang labasan ng bahay… ala Big-Brother ang  ginawa naming…pero super saya naming kahit andun lang kami at nakapagpahinga rin talaga.

Jul-Aug-Sep

                Dark nights. I was assigned on night shift, it was fun at first , I get to sleep longer than usual when I’m in regular shift and best of all… I lose 7 kgs off my body hehehe… I also get to run on 10Km on Men’s Health Urbanathlon.

Sabi nila napaka emo ko nung mga panahong ito…nagspill-over pa nga early 4th quarter. I don’t know suddenly I feel so alone. Alam mo yung feeling na masaya ka ngayon wait ka lang…mag-isa ka na naman… yun feeling na walang nag-aalala para sa iyo, walang nag hihintay, yung iniiwan ka lagi. All of those things going on to my mind…sabi ko hindi na lang ako maghihintay, this time ako naman J.

What triggers most of my emoness…if there’s such a word, was being taken for granted naks… by the people you’ve always cared about.  Pero pwede rin kasing one-sided ang nakikita ko. Nung mga panahon na to, Yung bang wala naman talaga silang ginagawang mali. Pero lahat ng kinikilos nila binigyan ko nang interpretasyon na para sa akin yun…that it is supposed to hurt me (wow ikaw na). But nevertheless nalampasan ko naman yun. I’m happy now ‘coz I choose to be one.

Oct-Nov-Dec

                Off to a new start. Bago lahat…pati sweldo (wahahaha). –Ber months are always happy. Alam mo kasi that Christmas is just around the corner. Spending spree ang gusto kong iterm sa quarter na to…spend nang spend ayun…ano nangyari…hahaha  alam na. Pero okay naman, masaya naman din kasi akong makita silang masaya.

For the longest time, ang New Year celeb naming eh apat lang kami lagi, Me my Ate Alma, Mom and Dad, this time may nadagdag sa amin…hindi lang isa…lima sila, sa amin nagcelebrate ng New Year sila Ate Alice and kids pati si Kuya Dennis. Dati-rati kasi mag-Christmas sila sa Pangasinan then balik na sila in time for New Year para kina Kuya Dennis magcelebrate.

Napuno nang ingay at tawanan ang bahay naming sa year ender, meron pa kaming fireworks kuno hahaha…pero uling lang na mahilig magspark pag nahahanginan!

So basically yan ang mga naganap sa akin sa 2011, I’m hoping na 2012 will be as good as the last or better.Tayo pa rin naman gagawa ng ikasisiya natin. Tayo sumusulat ng buhay natin, nasa iyo na iyon kung magiging masaya ka at makukuntento ka sa inilaan sa iyo. There is no other way to be happy than choosing to be one. ‘ Till next time. Let’s all see what 2012 is going to give us. Happy 2012!

Ariel After Dark: Office Hello-ween

31 October 2011, Halloween na nga eh, pero ang kaibhan nito habang ang karamihan ng mga empleyado walang pasok, ako ito… nag aayos papasok nang office (at 5:00PM) start na kasi ng night shift ko ulit.

Habang nagsasandok ako nang makakain ko for breakfast (Phoenix, Arizona ang timezone ko!) . Napansin ko yung ampalaya… sabi ko sa ate ko… “Kelan pa nagkaron nang ampalaya sa chopseuy?!”  Hahaha later ko lang narealize, hindi pala chopsuey ang ulam kundi kalabasa(na ang tingin ko kanina eh carrots) at ampalaya…wahahaha (ano raw?!?). Okay tuloy na po tayo, 7PM na ako nakaalis ng bahay, as usual sukbit ang bag kong cute (sabi ko lang) at ang paying kong BIG (malaki naman talaga kasi) with matching headphones na naksabit sa leeg. Wonder maaga ka ata ngayon umalis para pumasok… 11 start ng shift pero eto ako papaunta na ng opisina, gusto ko sana kasi may maabutang tao sa office lam mo na 31 ngayon…at mahilig akong takutin ang sarili ko. Alas… pag dating ko nang office waaaaa wala nang tao nakauwi na sila huhuhu… binuksan ko agad PC ko at tinext ko si Rhea (my shift buddy) na pumasok na at nasa office na ako. Nilakasan ko talaga yung speaker so as to ward off any potential ‘d anothers’ na manggugulo sa akin hehe.

Wala namang kakaiba at nakakapanindig balahibong pangyayari sa amin during my shift… excited lang ako sa takutan hahaha, kaya ganun. Ayaw ko lang makarainig uli nang nag huhumm sa cubicle nang Men’s Room, na wala namang tao  . At 7AM, umalis na kami nang office na parang wala lang (pero sa totoo lang ang bagal nang oras  work work work…). On my way home, umaambon sa Commonwealth Avenue, habang busyng busy ako sa pagsasara nang bintana ko (oo na naka ordinary lang ako para makatipid ) yung mga kasakayan ko nakatingin lahat sa left side, natural lang nahila na rin ung ulo ko pakaliwa (to the left to the left) and boy I saw the brightest rainbow I’ve ever seen in my life (exagg!!!). Hindi mapigilan ang ngiti na sumilay sa mga labi ko (naks!) , nakakagaan nang loob eh, ngayon lang ulit ako nakakita ng rainbow. Ayun ayun ang something special sa araw ko ngayon… somewhere over the rainbow. Hehehe. So hanggang dito na lang muna. Till next episode…hehehe Ciao!bye bye